Like this post

Sexy legs.

Oo, payat na! Hahaha! De, joke lang. Hindi lang naman legs actually. Sabihin natin na ‘yung pangkalahatan na. Haha, ayaw maniwala ‘neto eh. Sige nga, ganito kasi ‘yun:

  • Almost 3 kms ang nalalakad ko everyday.
  • Malayo sa kabihasnan ang building namin
  • Walang pinakamalapit na canteen
  • 30 minutes lang ang break ko sa buong maghapon
  • ARCHITECTURE nga pala course ko
  • Kaharap ko buong magdamag ang PLATES ko
  • Goodbye food
  • Hi Plates
  • Goodbye fats
  • Hi curves!
  • Ughhh, hi eyebags O.o

Hahaha, ayun. Sana medyo naintindihan niyo or should I say sana naiintindihan niyo na ako ngayon. :) Naalala ko nga pala, University na nga pala ang pinapasukan ko ngayon. At, kolehiyo na ako. Bigger resonsibilities. Less time for food this, I mean,  kung pwede, walang katapusang pag-aaral. Oy, kung pwede lang naman. Basta, bahala na. Kakayanin ‘to :)

(Source: gelaholic)

Like this post

Because talking about classes tomorrow is too mainstream.

Pero nasimulan ko na.

Klase na talaga bukas. Nakaka-excite sana kaso, wala pa akong room. :/ Pupunta pa raw ako doon sa main campus ng school namin para tanungin ang room ko (sa ibang campus kasi ako, bale, isang sakayan lang naman, kaso, malayo-layo rin). Ang problema, 8am pa magbubukas ang admission office doon sa main campus at 8am magsisimula ang first subject ko. Eh, ano pa ibig sabihin nun? First day na first day, eh, late.

Ngunit dahil mabait si Lord, Wednesday bukas at ang klase ko ay 12:30 hanggang 3:30pm lang. May buong umaga akong mag aaligid sa campus namin at doon sa main. :)

Haaaay. Nakakapraning talaga pag magko-kolehiyo na. Pero, exciting. :)

(Source: gelaholic)

Like this post

OH HI JUNE~

Woaaah. Hindi ko alam kung sasabayan ko sa pagmamaktol/pag-e-emote ang mga tao ngayon. Sa akin naman kasi, ibang klase ang dating ng Hunyo ngayon. Masisisi mo ba ako kung mas na e-excite ako ngayon? :)

Gusto ko nang pumasok. Nakaka-excite na nakaka-nerbiyos. Isipin mo, mag ko-kolehiyo na ako? Chos. OA lang.Pero sa totoo lang, gusto ko nang magsimulang mag-aral. :)

Jun11 pa ang pasukan. Lintek nga naman at hindi pa ginawang 13. Aabsent pa kami sa 12 dahil holiday. Nakaka-bitin ‘yung moment. HAHAHA, naman eh.

Pero okay lang. Basta, excited na ako :) Back to zero lahat, bagong environment, at.. wala nang uniform! haha. Bago lahat. Pati buhay mo, transcript mo, bagong-bago :) Nasa iyo na kung gusto mo nang mag bagong grado buhay o hindi. :)

(Source: gelaholic)