Woaaah. Hindi ko alam kung sasabayan ko sa pagmamaktol/pag-e-emote ang mga tao ngayon. Sa akin naman kasi, ibang klase ang dating ng Hunyo ngayon. Masisisi mo ba ako kung mas na e-excite ako ngayon? :)

Gusto ko nang pumasok. Nakaka-excite na nakaka-nerbiyos. Isipin mo, mag ko-kolehiyo na ako? Chos. OA lang.Pero sa totoo lang, gusto ko nang magsimulang mag-aral. :)

Jun11 pa ang pasukan. Lintek nga naman at hindi pa ginawang 13. Aabsent pa kami sa 12 dahil holiday. Nakaka-bitin ‘yung moment. HAHAHA, naman eh.

Pero okay lang. Basta, excited na ako :) Back to zero lahat, bagong environment, at.. wala nang uniform! haha. Bago lahat. Pati buhay mo, transcript mo, bagong-bago :) Nasa iyo na kung gusto mo nang mag bagong grado buhay o hindi. :)

(Source: gelaholic)