Because talking about classes tomorrow is too mainstream.

Pero nasimulan ko na.

Klase na talaga bukas. Nakaka-excite sana kaso, wala pa akong room. :/ Pupunta pa raw ako doon sa main campus ng school namin para tanungin ang room ko (sa ibang campus kasi ako, bale, isang sakayan lang naman, kaso, malayo-layo rin). Ang problema, 8am pa magbubukas ang admission office doon sa main campus at 8am magsisimula ang first subject ko. Eh, ano pa ibig sabihin nun? First day na first day, eh, late.

Ngunit dahil mabait si Lord, Wednesday bukas at ang klase ko ay 12:30 hanggang 3:30pm lang. May buong umaga akong mag aaligid sa campus namin at doon sa main. :)

Haaaay. Nakakapraning talaga pag magko-kolehiyo na. Pero, exciting. :)

(Source: gelaholic)

  • 1 note
  • Posted: 11 months ago on Tuesday 12 June 12
    1. gelaholic posted this